Add parallel Print Page Options

Kapag si Cristo na inyong[a] buhay ay nahayag na, kayo ay mahahayag ding kasama niya sa kaluwalhatian.

Kaya't patayin ninyo ang mga sangkap ng inyong katawan na nasa lupa: ang pakikiapid, kahalayan, kapusukan, masamang pagnanasa, at kasakiman na katumbas na rin ng pagsamba sa mga diyus-diyosan. Dahil sa mga ito, ang poot ng Diyos ay dumarating sa mga suwail na anak.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. Colosas 3:4 Sa ibang mga manuskrito ating.
  2. Colosas 3:6 Sa ibang mga kasulatan walang mga suwail na anak.