Add parallel Print Page Options

Bagama't sa katawan ay wala ako riyan, sa espiritu naman ay kasama ninyo ako, at nagagalak na pagmasdang kayo'y namumuhay nang maayos, at matatag sa inyong pananampalataya kay Cristo.

Mamuhay ayon kay Cristo

Kaya't yamang tinanggap ninyo si Cristo Jesus bilang Panginoon, patuloy kayong mamuhay ayon sa kanya, na nakaugat at nakatayo dahil sa kanya, matatag sa pananampalataya, kung paanong kayo'y tinuruan, at nag-uumapaw sa pasasalamat.

Read full chapter