Add parallel Print Page Options

14 Binura na niya ang nasulat na mga batas na laban sa atin. Inalis niya ito sa kalagitnaan natin at ipinako ito sa krus. 15 Hinubaran na niya ng kapangyarihan ang mga pamunuan at mga kapamahalaan. Inilantad niya sila sa madla at inihayag niya ang kaniyang pagtatagumpay sa pamamagitan ng krus.

16 Kaya nga, huwag ninyong hayaan na hatulan kayo ng sinuman patungkol sa pagkain, o sa inumin, o patungkol sa pagdiriwang ng kapistahan, o sa bagong buwan o sa mga araw ng Sabat.

Read full chapter