Add parallel Print Page Options

Nais kong malaman ninyong gayon na lamang ang pagsisikap ko para sa inyo, gayundin para sa mga taga-Laodicea at sa lahat ng hindi pa nakakakita sa akin nang personal. Ginagawa ko ito upang palakasin ang kanilang loob at upang mabuklod sila sa pag-ibig. Sa gayon, mararanasan nila ang ganap na pagpapala ng tunay na pagkaunawa at kaalaman tungkol sa hiwaga ng Diyos, na walang iba kundi si Cristo.[a] Sa pamamagitan niya nahahayag ang lahat ng nakatagong kayamanan ng karunungan at kaalaman ng Diyos.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 hiwaga…kundi si Cristo: Sa ibang manuskrito'y hiwaga ng Diyos na Ama ni Cristo, at sa iba pang mga manuskrito'y hiwaga ng Diyos, at ng Ama, at ni Cristo .