Add parallel Print Page Options

Ang mga Handog sa Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol(A)

12 “Sa ika-15 araw ng buwan ding iyon, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo para sumamba sa Panginoon. Magdiwang kayo ng pista para sa Panginoon sa loob ng pitong araw. 13 Mag-alay kayo ng mga handog na sinusunog na ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon. Sa unang araw, ito ang inyong ihandog: 13 batang toro, dalawang lalaking tupa at 14 na batang tupa na isang taong gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito. 14 Sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng handog bilang pagpaparangal sa Panginoon. Haluan ninyo ito ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis – anim na kilo sa bawat batang toro, apat na kilo sa bawat lalaking tupa

Read full chapter