Add parallel Print Page Options

25 Sa ikapitong araw, muli kayong magtipon sa pagsamba sa Panginoon. At huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon.

Ang mga Handog sa Panahon ng Pista ng Pag-aani(A)

26 “Sa unang araw ng Pista ng Pag-aani, sa panahon na maghahandog kayo sa Panginoon ng bagong ani ng trigo, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo bilang pagsamba sa Panginoon. 27 Maghandog kayo ng handog na sinusunog: dalawang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang lalaking tupa na isang taong gulang. Ang mabangong samyo ng handog na itoʼy makalulugod sa Panginoon.

Read full chapter