Add parallel Print Page Options

13 Ang sinumang makakahipo sa bangkay na hindi naglinis ng kanyang sarili[a] ay para na rin niyang dinungisan ang Tolda ng Panginoon. Kailangang huwag na ninyong ituring na kababayan ang taong iyon. Dahil hindi siya nawisikan ng tubig na ginagamit sa paglilinis, marumi pa rin siya.

14 “Ito ang tuntunin kung may taong mamatay sa loob ng tolda: Ang sinumang pumasok sa tolda o kayaʼy naroon na sa loob nang mamatay ang tao ay ituturing na marumi sa loob ng pitong araw. 15 At ituturing din na marumi ang anumang mga lalagyan sa tolda na walang takip.

Read full chapter

Footnotes

  1. 19:13 hindi naglinis ng kanyang sarili: Ang ibig sabihin, hindi ginawa ang seremonya upang maging karapat-dapat sa Dios.