Add parallel Print Page Options

14 Hanapin mo ang bukal ng pang-unawa, lakas at kaalaman,
    at malalaman mo kung nasaan ang mahabang buhay,
    ang liwanag na sa iyo'y papatnubay, at ang kapayapaan.

15 May(A) nakatuklas na ba kung saan nakatira ang Karunungan,
    o nakapasok sa kanyang taguan ng yaman?
16 Nasaan ngayon ang mga tagapamahala ng mga bansa,
    at namamahala sa mababangis na hayop?
17 Nasaan ang mga naglibang sa panghuhuli ng mga ibon?
    Nasaan ang mga nagtipon ng pilak at gintong pinagkatiwalaan ng tao,
    at kailanma'y di nasiyahan sa kanilang naimpok?

Read full chapter