Add parallel Print Page Options

17 Sapagkat sinasabi mo, ‘Ako'y mayaman, at naging mariwasa at hindi ako nangangailangan ng anuman.’ Hindi mo nalalamang ikaw ay aba, kahabag-habag, maralita, bulag at hubad.

18 Ipinapayo ko sa iyo na bumili ka sa akin ng gintong dinalisay ng apoy upang ikaw ay yumaman, at ng mapuputing damit upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran, at ng pampahid na ilalagay sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita.

19 Ang(A) lahat na aking iniibig ay aking sinasaway at dinidisiplina. Ikaw nga'y magsikap, at magsisi.

Read full chapter