Add parallel Print Page Options

At nagpatirapa ang dalawampu't apat na matatanda at ang apat na nilalang na buháy, at sumamba sa Diyos na nakaupo sa trono, na nagsasabi,

“Amen. Aleluia!”

Ang Hapunan ng Kasalan ng Kordero

At(A) lumabas ang isang tinig sa trono, na nagsasabi,

“Purihin ninyo ang ating Diyos,
    kayong lahat na mga alipin niya,
at kayong natatakot sa kanya,
    mga hamak at dakila.”

Narinig(B) ko ang gaya ng isang tinig ng napakaraming tao, gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng dagundong ng malalakas na kulog na nagsasabi,

“Aleluia!
Sapagkat naghahari ang Panginoon nating Diyos na Makapangyarihan sa lahat.

Read full chapter