Font Size
Apocalipsis 18:8-10
Ang Biblia, 2001
Apocalipsis 18:8-10
Ang Biblia, 2001
8 Kaya't sa loob ng isang araw ay darating ang mga salot sa kanya,
kamatayan, pagluluksa at gutom;
at siya'y lubos na susunugin sa apoy;
sapagkat makapangyarihan ang Panginoong Diyos na humatol sa kanya.”
9 At(A) ang mga hari sa lupa na nakiapid at namuhay sa kalayawan na kasama niya, ay iiyakan at tatangisan siya kapag nakita nila ang usok ng pagsusunog sa kanya.
10 Sila'y tatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kanya, na nagsasabi,
“Kahabag-habag, kahabag-habag ang dakilang lunsod,
ikaw na makapangyarihang lunsod ng Babilonia!
Sapagkat sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.”