Add parallel Print Page Options

sapagkat(A) lahat ng mga bansa ay uminom
    ng alak ng galit ng kanyang pakikiapid,
at ang mga hari sa lupa ay nakiapid sa kanya,
    at ang mga mangangalakal sa lupa ay yumaman dahil sa kapangyarihan ng kanyang kalayawan.”

At(B) narinig ko ang isa pang tinig na mula sa langit na nagsasabi,

“Magsilabas kayo sa kanya, bayan ko,
    upang huwag kayong madamay sa kanyang mga kasalanan,
at huwag kayong makabahagi
    sa kanyang mga salot;
sapagkat(C) ang kanyang mga kasalanan ay nagkapatung-patong na umaabot hanggang sa langit,
    at natatandaan ng Diyos ang kanyang mga kasalanan.

Read full chapter