Add parallel Print Page Options

11 At (A) ang mga mangangalakal ng daigdig ay tumatangis at nagluluksa dahil sa kanya, sapagkat wala nang bumibili ng kanilang paninda— 12 panindang (B) ginto, pilak, mamahaling bato at perlas, pinong lino; granate, sutla at pulang tela; lahat ng uri ng mabangong kahoy, mga kasangkapang garing, mamahaling kahoy, tanso, bakal, at marmol; 13 sinamon, pampalasa, kamanyang, mira at insenso, alak, langis, magandang uri ng harina at trigo, mga baka, mga tupa, mga kabayo at mga karwahe, at mga katawan, samakatuwid ay mga kaluluwa ng tao.

14 “Ang mga bungang ninasa ng kaluluwa mo'y
    wala na sa iyo,
at lahat ng mga marangya at maringal na bagay
    ay naglaho sa iyo,
    at kailanma'y hindi na matatagpuan ang mga ito!”

15 Ang (C) mga mangangalakal ng mga bagay na ito, na yumaman dahil sa kanya, ay tatayo sa malayo dahil sa takot sa paghihirap niya, na sila'y nagluluksa, malakas na tumatangis, 16 na nagsasabi,

Kaysaklap, kaysaklap ng sinapit ng tanyag na lungsod,
    siya na nakasuot ng pinong lino at kulay ube at pulang damit,
    at napalamutian ng ginto, mamahaling bato at perlas!
17 Sapagkat (D) ang lahat ng yamang iyon ay naglaho sa loob ng isang oras!”

At lahat ng kapitan ng barko at mga naglalayag, ang mga mandaragat at lahat ng mangangalakal sa dagat ay tumayo sa malayo. 18 Sumigaw (E) (F) sila habang pinagmamasdan ang usok ng kanyang pagkasunog na nagsasabi,

“Saan mo ihahambing ang tanyag na lungsod?”

19 Nagsaboy sila ng alikabok sa kanilang mga ulo habang tumatangis at nagluluksa na sumisigaw,

“Kaysaklap, kaysaklap ng sinapit ng tanyag na lungsod,
    na nagpayaman sa lahat ng may barko sa dagat, mula sa kanyang kayamanan!
Sapagkat sa loob ng isang oras siya ay nawasak.

Read full chapter