Add parallel Print Page Options

At nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng mga martir[a] ni Jesus. Nang makita ko siya, ako ay lubhang nanggilalas.

Ngunit sinabi sa akin ng anghel, “Bakit ka nanggilalas? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae, at ng sinasakyan niyang halimaw na may pitong ulo at sampung sungay.

Ang(A) halimaw na nakita mo ay buháy noon[b] at ngayo'y wala na, at malapit nang umahon mula sa di-matarok na kalaliman at patungo sa kapahamakan. At silang mga naninirahan sa lupa, na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanlibutan, ay manggigilalas kapag nakita nila ang halimaw, sapagkat buháy noon ngunit ngayo'y wala na at darating pa.

Read full chapter

Footnotes

  1. Apocalipsis 17:6 o saksi .
  2. Apocalipsis 17:8 Sa Griyego ay naging siya .