Add parallel Print Page Options

Ang(A) babae ay nakadamit ng kulay-ube at ng matingkad na pula, nagagayakan ng ginto at ng mahahalagang bato at mga perlas, at hawak sa kanyang kamay ang isang kopang ginto na punô ng mga karumaldumal at mga bagay na marurumi ng kanyang pakikiapid,

at sa kanyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, ang isang hiwaga: “dakilang Babilonia, ina ng mga mahalay na babae[a] at ng mga karumaldumal sa lupa.”

At nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng mga martir[b] ni Jesus. Nang makita ko siya, ako ay lubhang nanggilalas.

Read full chapter

Footnotes

  1. Apocalipsis 17:5 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .
  2. Apocalipsis 17:6 o saksi .