Add parallel Print Page Options

Tingnan ninyo,(A) siya'y dumarating na nasa mga ulap;
    at makikita siya ng bawat mata,
at ng mga umulos sa kanya;
    at ang lahat ng mga lipi sa lupa ay tatangis dahil sa kanya.

Gayon nga. Amen.

“Ako(B) ang Alpha at ang Omega,” sabi ng Panginoong Diyos, na siyang ngayon at ang nakaraan at ang darating, ang Makapangyarihan sa lahat.

Si Cristo sa Isang Pangitain

Akong si Juan, na inyong kapatid at inyong karamay sa kapighatian at sa kaharian at sa pagtitiis alang-alang kay Jesus ay nasa pulo na tinatawag na Patmos, dahil sa salita ng Diyos at sa patotoo ni Jesus.

Read full chapter