Add parallel Print Page Options

13 at(A) sa gitna ng mga ilawan ay may isang katulad ng isang Anak ng Tao, na may suot na damit na hanggang sa paa, at may gintong bigkis sa kanyang dibdib.

14 At(B) (C) ang kanyang ulo at ang kanyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibo ng tupa, gaya ng niebe; at ang kanyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy;

15 at(D) ang kanyang mga paa ay katulad ng tansong pinakintab, na parang dinalisay sa isang pugon; at ang kanyang tinig ay gaya ng ingay ng maraming tubig.

Read full chapter

13 (A) at sa gitna ng mga ilawang ito, nakita ko ang isang gaya ng Anak ng Tao na nakasuot ng mahabang damit at sa kanyang dibdib ay may bumabalot na gintong bigkis. 14 Ang (B) (C) kanyang ulo at buhok ay puti tulad ng balahibo ng tupa, kasimputi ng niebe; ang kanyang mga mata'y tulad ng ningas ng apoy, 15 (D) ang kanyang mga paa'y tulad ng tansong pinakintab na parang dinalisay sa pugon, at ang kanyang tinig ay tulad ng ingay ng rumaragasang tubig.

Read full chapter

Ang Mensahe sa Tiatira

18 “At sa anghel ng iglesya sa Tiatira ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Anak ng Diyos, na may mga matang gaya ng ningas ng apoy, at ang kanyang mga paa ay gaya ng tansong pinakintab.

Read full chapter

Ang Mensahe para sa Tiatira

18 “At sa anghel ng iglesya sa Tiatira, isulat mo: Ito ang sinasabi ng Anak ng Diyos na may mga matang tila nagniningas na apoy, at ang kanyang mga paa ay tila pinakintab na tanso.

Read full chapter

12 Ang(A) kanyang mga mata ay tulad ng ningas ng apoy, at sa kanyang ulo ay maraming diadema; at siya'y may isang pangalang nakasulat, na walang nakakaalam kundi ang kanyang sarili.

Read full chapter

12 Ang (A) mga mata niya ay parang ningas ng apoy, at sa ulo niya ay maraming korona. Mayroon sa kanyang nakasulat na pangalan na siya lamang ang nakakaalam.

Read full chapter