Add parallel Print Page Options

Ang Dios ang gumawa ng kanyang sariling tirahan sa langit.
    At siya ang gumawa ng kalawakan sa itaas ng lupa.
    Siya rin ang nag-iipon ng tubig-dagat sa mga alapaap at pinauulan ito sa lupa.
    Ang pangalan niyaʼy Panginoon.

Sinabi ng Panginoon, “Ang turing ko sa inyo na mga taga-Israel ay katulad lang sa mga taga-Etiopia.[a] Totoong inilabas ko kayo sa Egipto, pero inilabas ko rin ang mga Filisteo sa Caftor[b] at ang mga Arameo[c] sa Kir. Ako, ang Panginoong Dios ay nagmamanman sa inyong makasalanang kaharian. At lilipulin ko kayo hanggang sa mawala kayo ng lubusan sa mundo. Pero may ilang matitira sa inyo na mga lahi ni Jacob. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:7 taga-Etiopia: sa literal, taga-Cush.
  2. 9:7 Caftor: o, Crete.
  3. 9:7 Arameo: o, taga-Syria.