Add parallel Print Page Options

Natutulog sila sa kanilang sambahan[a] na suot ang damit na isinangla sa kanila ng mga mahihirap.[b] At nag-iinuman sila sa aking templo ng alak na binili galing sa ibinayad ng mga mahihirap na may utang sa kanila. Pero ako, ang ginawa ko para sa kanila na mga taga-Israel, nilipol ko ang mga Amoreo, kahit na kasintaas sila ng punong sedro at kasintibay ng punong ensina. Nilipol ko silang lahat at walang itinirang buhay. 10 Inilabas ko rin sa Egipto ang mga ninuno ng mga taga-Israel at pinatnubayan ko sila sa ilang sa loob ng 40 taon upang makuha nila ang lupain ng mga Amoreo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:8 sa kanilang sambahan: sa literal, sa tabi ng bawat altar.
  2. 2:8 Ayon sa Exo. 22:26-27 at sa Deu. 24:12-13, ang damit na isinangla ng dukha ay dapat ibalik sa kanya kinagabihan.