Add parallel Print Page Options

Wawasakin ko ang pintuan ng Damascus at papatayin ko ang pinuno ng Lambak ng Aven at ng Bet Eden.[a] Bibihagin at dadalhin sa Kir ang mga mamamayan ng Syria.[b] Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Ang Parusa sa Bansang Filistia

Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Filistia: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Gaza,[c] parurusahan ko sila. Sapagkat binihag nila ang lahat ng naninirahan sa mga bayan at ipinagbili bilang mga alipin sa Edom. Kaya susunugin ko ang mga pader[d] ng Gaza at ang matitibay na bahagi ng lungsod na ito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:5 Lambak ng Aven at ng Bet Eden: Itoʼy mga lugar na sakop ng Syria.
  2. 1:5 Syria: sa Hebreo, Aram.
  3. 1:6 Gaza: Ang Gaza ay isa sa mga pangunahing lungsod ng Filistia at kumakatawan sa buong bansa ng Filistia.
  4. 1:7 susunugin ko ang mga pader: Maaaring may mga bahagi ang pader na masusunog ng apoy, o ang apoy dito ay nangangahulugan ng pagkawasak.