Add parallel Print Page Options

Kaya nga, anak ko, magpakatibay ka sa biyaya na na kay Cristo Jesus. Narinig mo ang maraming bagay na aking sinabi sa harapan ng maraming saksi. Ipagkatiwala mo ang mga bagay na ito sa mga lalaking mapagkakatiwalaan na makaka­pagturo rin naman sa iba. Kaya nga, tiisin mo ang lahat ng hirap tulad ng isang mabuting kawal ni Jesucristo.

Read full chapter