Add parallel Print Page Options

Ang Mabuting Kawal ni Cristo Jesus

Kaya nga, anak ko, magpakatatag ka sa pamamagitan ng biyaya na nakay Cristo Jesus. Ang mga bagay na narinig mo sa akin sa harap ng maraming saksi ay ipagkatiwala mo rin sa mga mapagkakatiwalaan at may kakayahang magturo sa iba. Makihati ka sa mga paghihirap tulad ng isang mabuting kawal ni Cristo Jesus.

Read full chapter