Add parallel Print Page Options

Kaya't huwag mong ikahiya ang pagpapatotoo tungkol sa ating Panginoon, at huwag mo rin akong ikahiya na kanyang bilanggo. Sa halip, makiisa ka sa aking paghihirap alang-alang sa ebanghelyo. Magagawa ito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Siya ang nagligtas at tumawag sa atin tungo sa banal na pamumuhay. Ginawa niya ito, hindi dahil sa anumang nagawa natin kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang-loob na ibinigay niya sa atin kay Cristo Jesus bago pa nagsimula ang panahon. 10 Nahayag na ito ngayon nang dumating si Cristo Jesus na ating Tagapagligtas. Ginapi niya ang kamatayan at ang liwanag ng buhay na walang kamatayan sa pamamagitan ng ebanghelyo.

Read full chapter