Add parallel Print Page Options

Dahil dito, ipinaaalala ko sa iyo na lalo mong pag-alabin ang kaloob na ibinigay sa iyo ng Diyos nang ipatong ko sa iyo ang aking mga kamay. Sapagkat ang Espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili. Kaya't huwag mong ikahiya ang pagpapatotoo tungkol sa ating Panginoon, at huwag mo rin akong ikahiya na kanyang bilanggo. Sa halip, makiisa ka sa aking paghihirap alang-alang sa ebanghelyo. Magagawa ito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.

Read full chapter