Add parallel Print Page Options

14 Tinawag niya kayo dito sa pamamagitan ng aming ebanghelyo upang matamo ninyo ang kalwalhatian ng ating Panginoong Jesucristo. 15 Kaya nga, mga kapatid, tumayo kayong matatag at panghawakan ninyong matibay ang mga dating aral na itinuro sa inyo, maging ito man ay sa pamamagitan ng salita o sa pamamagitan ng aming sulat.

16 Ang ating Panginoong Jesucristo at ating Diyos Ama ay nagmahal sa atin at nagbigay sa atin ng walang hanggang kaaliwan at mabuting pag-asa sa pamamagitan ng biyaya.

Read full chapter