Add parallel Print Page Options

Ang Suwail

Mga(A) kapatid, tungkol naman sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pagtitipon sa atin upang makapiling niya, nakikiusap kami sa inyo na huwag agad magugulo ang inyong isipan o mababahala kung mabalitaan ninyong dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong maniniwala kahit sabihin pa nilang iyon ay pangangaral o pahayag, o isinulat namin. Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan. Hindi darating ang Araw ng Panginoon hangga't di pa nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail[a] na itinakda sa kapahamakan.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Tesalonica 2:3 Suwail: Sa ibang manuskrito'y Makasalanan .
  2. 2 Tesalonica 2:3 itinakda sa kapahamakan: Sa Griego ay anak ng kapahamakan .