Add parallel Print Page Options

18 Si Abishai na kapatid ni Joab, na anak ni Zeruya ang pinuno ng 30[a] tauhan ni David. Nakapatay siya ng 300 Filisteo sa pamamagitan ng sibat niya. Kaya naging tanyag siya katulad ng tatlong matatapang na tauhan. 19 At dahil sa siya ang pinakatanyag sa 30, naging pinuno nila siya pero hindi siya kabilang sa tatlong matatapang.

20 May isa pang matapang na tao na ang pangalan ay Benaya. Taga-Kabzeel siya, at ang ama niya ay si Jehoyada. Marami siyang kabayanihang ginawa, kabilang na rito ang pagpatay sa dalawang pinakamahuhusay na sundalo ng Moab. Minsan, kahit umuulan ng yelo, bumaba siya sa pinagtataguan ng leon at pinatay ito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 23:18 30: Ito ang nasa Syriac at sa ibang teksto ng Hebreo. Sa karamihang teksto ng Hebreo, tatlo. Ganito rin sa talatang 19.