Add parallel Print Page Options

At ngayon, magpakatatag kayo at lakasan nʼyo ang loob nʼyo kahit patay na ang hari[a] ninyong si Saul. Ako naman ay pinili ng mga taga-Juda bilang kanilang hari.”

Ang Alitan sa Pagitan ng Pamilya nina David at Saul

Ngayon, ang kumander ng mga sundalo ni Saul, na si Abner na anak ni Ner ay pumunta sa Mahanaim kasama si Ishboshet na anak ni Saul. Doon, hinirang niyang hari ng buong Israel si Ishboshet, kasama na rito ang mga lugar ng Gilead, Ashuri, Jezreel, Efraim at Benjamin.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:7 hari: sa Hebreo, amo.