Add parallel Print Page Options

Dumating(A) ang mga lalaki ng Juda, at kanilang binuhusan ng langis si David upang maging hari sa sambahayan ng Juda. Nang kanilang sabihin kay David, “Ang mga lalaki sa Jabes-gilead ang siyang naglibing kay Saul,”

nagpadala ng mga sugo si David sa mga lalaki sa Jabes-gilead, at sinabi sa kanila, “Pagpalain nawa kayo ng Panginoon, sapagkat kayo'y nagpakita ng ganitong katapatan kay Saul na inyong panginoon, at inyong inilibing siya!

Ngayon nawa'y pagpakitaan kayo ng Panginoon ng wagas na pag-ibig at katapatan! Gagawan ko naman kayo ng mabuti sapagkat ginawa ninyo ang bagay na ito.

Read full chapter