Add parallel Print Page Options

Si David ay Naging Hari ng Juda

Pagkaraan ng lahat ng ito, sumangguni si David kay Yahweh. “Pupunta po ba ako sa isa sa mga lunsod ng Juda?” tanong niya.

“Lumakad ka,” sagot sa kanya ni Yahweh.

“Saan pong lunsod?” tanong ni David.

“Sa Hebron,” sagot ni Yahweh. Kaya't(A) lumakad si David kasama ang dalawa niyang asawa, sina Ahinoam na Jezreelita, at si Abigail, ang biyuda ni Nabal na taga-Carmel. Isinama rin ni David ang kanyang mga tauhan pati ang kani-kanilang pamilya.

Read full chapter