Add parallel Print Page Options

23 Ngayong patay na siya, bakit pa ako mag-aayuno; maibabalik ko pa ba ang kanyang buhay? Balang araw, susunod ako sa kanya ngunit hindi na siya makakabalik sa akin.”

Ipinanganak si Solomon

24 Inaliw ni David si Batsheba at sinipingan muli. Muli itong nagdalang-tao at nanganak ng isang lalaki. Solomon ang ipinangalan ni David sa bata. 25 Palibhasa'y mahal ni Yahweh ang bata, isinugo niya si propeta Natan upang sabihing Jedidia[a] ang itawag sa bata na ang ibig sabihi'y, “Mahal ni Yahweh.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 25 JEDIDIA: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng pangalang ito'y “Mahal ni Yahweh”.