Font Size
2 Pedro 1:1-3
Magandang Balita Biblia
2 Pedro 1:1-3
Magandang Balita Biblia
1 Mula kay Simon Pedro, isang lingkod[a] at apostol ni Jesu-Cristo—
Para sa inyong lahat na tulad nami'y tumanggap ng napakahalagang pananampalatayang mula sa ating makatarungang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
2 Sumagana nawa sa inyo ang kagandahang-loob at kapayapaan ng Diyos sa pamamagitan ng inyong pagkakilala sa kanya at sa ating Panginoong Jesus.
Tagubilin sa mga Tinawag at Pinili ng Diyos
3 Tinanggap natin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos ang lahat ng bagay na magtuturo sa atin upang tayo'y mamuhay na maka-Diyos. Ito'y dahil sa ating pagkakilala kay Jesus, na siya ring tumawag sa atin upang bahaginan tayo ng kanyang[b] kaluwalhatian at kadakilaan.
Read full chapterFootnotes
- 2 Pedro 1:1 lingkod: o kaya'y alipin .
- 2 Pedro 1:3 upang bahaginan…kanyang: Sa ibang manuskrito'y sa pamamagitan ng kanyang .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.