Add parallel Print Page Options

10 Sumang-ayon ang hari. Kaya't pag-upo ni Jason bilang Pinakapunong Pari, agad niyang sinimulang akitin ang kanyang mga kababayan na umayon sa pamumuhay Griego. 11 Pinawalang-saysay(A) niya ang mga tanging karapatang ipinagkaloob ng hari sa mga Judio noong panahon ni Juan, ama ni Eupolemo. Si Eupolemo ang sugong nagtagumpay na makuha ang kasunduan ng pagkakaibigan ng mga Judio at ng mga taga-Roma. Pinalitan ni Jason ang umiiral na batas at ang inihalili'y mga kaugaliang salungat sa Kautusan. 12 Ipinagawa niya agad ang palaruan at doon niya ito ipinatayo sa paanan ng tanggulang tinatawag na Acropolis. Pinagsuot niya ang mga piniling kabataang Judio ng sumbrerong Griego na gamit sa paglalaro.

Read full chapter