Add parallel Print Page Options

16 Sumagot si Eliseo, “Huwag kang matakot. Mas marami tayong kasama kaysa sa kanila.” 17 Nanalangin si Eliseo, “Panginoon, buksan po ninyo ang mga mata ng katulong ko para makakita siya.” Binuksan ng Panginoon ang mga mata ng katulong, at nakita niya na puno ng mga kabayo at karwaheng apoy ang kaburulan sa paligid ni Eliseo.

18 Habang papunta ang mga kaaway kay Eliseo, nanalangin siya, “Panginoon, bulagin[a] po ninyo ang mga taong ito.” Kaya binulag sila ng Panginoon ayon sa hiling ni Eliseo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 6:18 bulagin: Maaring ang ibig sabihin, iligaw.