Add parallel Print Page Options

Nagpagawa pa siya ng mga altar sa templo ng Panginoon sa Jerusalem, ang lugar na sinabi ng Panginoon na pararangalan siya. Inilagay niya ang mga altar sa magkabilang panig ng bakuran ng templo ng Panginoon para sambahin ang lahat ng bagay sa langit. Inihandog pa niya ang sarili niyang anak sa apoy. Ginawa rin niya ang mga ginagawa ng mga mangkukulam at mga manghuhula, at nagtatanong siya sa mga espiritista na nakikipag-usap sa kaluluwa ng patay. Labis ang pagkakasala ni Manase na nakapagpagalit sa Panginoon.

Read full chapter