Add parallel Print Page Options

May 50 miyembro ng mga propeta na nakatayo sa unahan, at nakaharap sila sa lugar na hinintuan nina Elias at Eliseo sa ilog ng Jordan.

Hinubad ni Elias ang balabal niya, inirolyo ito at inihampas sa tubig. Nahawi ang tubig at tumawid silang dalawa sa tuyong lupa. Pagkatawid nila, sinabi ni Elias kay Eliseo, “Bago ako kunin sa iyo, sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo.” Sumagot si Eliseo, “Gusto kong ipamana mo sa akin ang dobleng bahagi ng iyong kapangyarihan.”[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:9 Gusto … iyong kapangyarihan: Maaaring ang ibig sabihin, nais ni Eliseo na bigyan siya ng kapangyarihan na doble kaysa sa ibinigay niya sa ibang mga propeta, upang siya ang pumalit kay Elias bilang pinuno ng mga propeta.