Add parallel Print Page Options

27 Noong panahon na siya ang hari, ang pilak sa Jerusalem ay gaya lang ng ordinaryong mga bato, at ang kahoy na sedro ay kasindami ng mga ordinaryong kahoy na sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran.[a] 28 Ang mga kabayo ni Solomon ay nagmula sa Egipto at sa iba pang mga bansa.

Ang Pagkamatay ni Solomon(A)

29 Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Solomon, mula sa simula hanggang sa katapusan ay nakasulat sa Aklat ni Propeta Natan, sa Mga Mensahe ni Ahia na Taga-Shilo, at sa mga Pangitain ni Iddo na Propeta, na nagsasabi rin tungkol sa paghahari ni Jeroboam na anak ni Nebat.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:27 kaburulan sa kanluran: sa literal, Shefela.