Add parallel Print Page Options

Pinabalik ni Ciro ang mga Judio(A)

22 Sa unang taon ni Ciro na hari ng Persia, upang ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap, kinilos ng Panginoon ang espiritu ni Ciro na hari ng Persia, kaya't siya'y nagpahayag sa kanyang buong kaharian, at ito ay kanya ring isinulat.

23 “Ganito(B) ang sabi ni Ciro na hari ng Persia, ‘Lahat ng kaharian sa lupa ay ibinigay sa akin ng Panginoon, ang Diyos ng langit. Kanyang inatasan ako na ipagtayo siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda. Sinuman sa inyo ang kabilang sa kanyang buong bayan, sumakanya nawa ang Panginoon niyang Diyos! Hayaan siyang umahon.’”

Read full chapter