Font Size
2 Cronica 32:23-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Cronica 32:23-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
23 Maraming nagpuntahan sa Jerusalem. Naghandog sila kay Yahweh at nagkaloob ng mahahalagang bagay kay Haring Ezequias. Mula noo'y pinarangalan siya ng lahat ng bansa.
Ang Pagkakasakit ni Ezequias at ang Kanyang Kapalaluan(A)
24 Di nagtagal ay nagkasakit nang malubha si Ezequias. Nanalangin siya kay Yahweh at binigyan siya nito ng isang palatandaan na siya'y gagaling. 25 Ngunit hindi niya kinilalang utang na loob ang ginawa ni Yahweh para sa kanya. Sa halip ay naging palalo siya kaya naman pinarusahan siya ng Diyos, pati ang Juda at Jerusalem.
Read full chapter