Add parallel Print Page Options

Baka sumama sa akin ang ilan sa mga taga-Macedonia at makita kayong hindi handa, mapapahiya kami, sa tiyak na pagmamalaking ito. Kahit nalalaman naming maaaring higit kayong mapahiya sa bagay na ito. Kaya nga, naisip kong kinakailangang ipamanhik sa mga kapatid na mauna na sa pagpunta sa inyo. Isinugo ko sila upang ihanda ang inyong ipinangakong pagpapala at hindi sapilitang kaloob.

Masaganang Paghahasik

Ito ang sinasabi ko: Ang naghahasik ng kaunti ay aani naman ng kaunti. Ang naghahasik nang sagana ay aani naman nang sagana.

Read full chapter