Add parallel Print Page Options

Sapagkat kung may mga taga-Macedonia na sumama sa akin at madatnan kayong hindi handa, kami—at kahit hindi ko na sabihin—kami ay lalo nang mapapahiya dahil sa gayong pagtitiwala sa inyo. Kaya't minabuti ko na kailangang pakiusapan ang mga kapatid na ito na maunang pumunta riyan sa inyo, at maihanda agad ang kaloob na nauna ninyong ipinangako. Sa gayon, maihahanda ito bilang isang handog na bukal sa loob at hindi sapilitan.

At ito ang ibig kong sabihin: Ang nagtatanim ng kaunti ay kaunti rin ang aanihin, at ang nagtatanim ng marami ay marami rin ang aanihin.

Read full chapter