Add parallel Print Page Options

Ito ay sapagkat alam ko ang pananabik ninyo na siya kong ipinagmamalaki sa mga taga-Macedonia na kayong mga taga-Acaya ay handa na noon pang isang taon. At ang inyong pagsusumigasig ay pumukaw sa marami. Isinugo ko ang mga kapatid nang hindi mawalang saysay ang aking pagmamalaki sa inyo patungkol sa bagay na ito. Ayon sa aking sinabi: Kayo ay maging handa. Baka sumama sa akin ang ilan sa mga taga-Macedonia at makita kayong hindi handa, mapapahiya kami, sa tiyak na pagmamalaking ito. Kahit nalalaman naming maaaring higit kayong mapahiya sa bagay na ito.

Read full chapter