Add parallel Print Page Options

11 Sa lahat ng bagay ay payayamanin niya kayo sa inyong matapat na pagbibigay. Ito ay magdudulot sa amin ng pagpapasalamat sa Diyos.

12 Ang paglilingkod na ito ng pagbibigay ay hindi lang nagpupuno sa pangangailangan ng mga banal. Ito rin ay sumasagana sa pamamagitan ng maraming pagpapasalamat sa Diyos. 13 Sa pamamagitan ng katibayan ng paglilingkod na ito sila ay lumuluwalhati sa Diyos dahil sa inyong pagpapahayag ng inyong pagpapasakop sa ebanghelyo ni Cristo. At ito ay dahil na rin sa inyong pakikipag-isa sa matapat na pagbibigay para sa kanila at para sa lahat.

Read full chapter