Add parallel Print Page Options

Sinabi niya:

Sa panahong ipinahintulot pina­kinggan kita, at sa araw ng pagliligtas, tinulungan kita.

Narito, ngayon ang panahong katanggap-tanggap. Narito, ngayon ang araw ng kaligtasan.

Ang mga Paghihirap ni Pablo

Sa anumang bagay ay hindi kami nagbigay ng katitisuran upang hindi mapulaan ang gawain ng paglilingkod.

Sa halip, sa lahat ng bagay ay ipinakilala namin ang aming sarili bilang tagapaglingkod ng Diyos. Ito ay maging sa maraming pagba­bata, kabalisahan, pangangailangan at kagipitan.

Read full chapter