Add parallel Print Page Options

16 Hindi maaaring magsama ang mga dios-diosan at ang Dios sa iisang templo. At tayo ang templo ng Dios na buhay! Gaya ng sinabi ng Dios,

“Mananahan akoʼt mamumuhay sa kanilang piling.
    Akoʼy magiging Dios nila,
    at silaʼy magiging mga taong sakop ko.
17 Kaya lumayo kayo at humiwalay sa kanila.[a]
    Layuan ninyo ang itinuring na marumi[b]
    at tatanggapin ko kayo.
18 At akoʼy magiging Ama ninyo,
    at kayo namaʼy magiging mga anak ko.
    Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 6:17 sa kanila: Ang ibig sabihin, sa mga taong hindi naniniwala sa Dios.
  2. 6:17 Layuan ninyo ang itinuring na marumi: sa literal, Huwag kayong humipo ng anumang marumi.