Add parallel Print Page Options

11 Hanggang dito na lamang, mga kapatid, at paalam na sa inyo.[a] Sikapin ninyo na walang makitang kapintasan sa inyo, at sundin ninyo ang mga payo ko. Magkaisa kayo at mamuhay nang payapa. Nang sa ganoon, ang Dios na pinanggagalingan ng pag-ibig at kapayapaan ay sasainyo.

12 Magbatian kayo bilang mga magkakapatid kay Cristo.[b]

Kinukumusta kayong lahat ng mga mananampalataya[c] rito.

13 Nawaʼy sumainyong lahat ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang pag-ibig ng Dios, at ang pakikipag-isa ng Banal na Espiritu.[d]

Read full chapter

Footnotes

  1. 13:11 paalam na sa inyo: o, magalak kayo.
  2. 13:12 bilang mga magkakapatid kay Cristo: sa literal, sa pamamagitan ng banal na halik.
  3. 13:12 mga mananampalataya: Tingnan ang “footnote” sa 8:4.
  4. 13:13 Makikita sa ibang salin na ang talata 12 ay ginawang dalawang talata kaya ang talata 13 ay naging 14. Sa saling ito, ang sinunod ay ang pamamaraan ng pagtatalata na makikita sa kopyang Griego.