Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
Share feedback on the new Bible Gateway
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
Share feedback on the new Bible Gateway
  • Read
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • Explore
    • Bible News
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
FSV
Version
Bible Books Bible Books
FSV
Version
Read
Study
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
PrintPrintSettingsSettingsShareShareParallelParallelExpandExpandCollapse

2 Corinto 12  Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version

Mga Pangitain at Pahayag

12 Kailangang ako'y magmalaki, kahit wala akong pakinabang dito. Ngunit tutuloy na rin ako tungkol sa mga pangitain at mga pahayag ng Panginoon. 2 May kilala akong isang lalaking na kay Cristo, na dinala sa ikatlong langit, labing-apat na taon na ang nakalilipas. Hindi ko alam kung siya noon ay nasa katawan, o wala sa katawan. Ang Diyos ang nakakaalam. 3 At alam kong ang taong iyon—kung nasa katawan man, o wala sa katawan, hindi ko alam, ang Diyos ang nakaaalam— 4 ay tinangay at dinala sa Paraiso. Nakarinig siya roon ng mga salitang hindi mabigkas at hindi ipinahihintulot na sabihin ng tao. 5 Ipagmamalaki ko ang taong iyon, at hindi ang aking sarili. Ang tanging maipagmamalaki ko ay ang aking mga kahinaan. 6 Kung naisin ko mang magmalaki ay hindi ako magiging hangal, sapagkat ako'y magsasabi ng katotohanan. Ngunit iniiwasan ko ito upang walang sinumang mag-isip tungkol sa akin nang higit kaysa kanyang nakikita o naririnig sa akin. 7 At upang hindi ako magmayabang dahil sa mga kahanga-hangang bagay na ipinahayag sa akin, binigyan ako ng isang tinik sa laman na nagsilbing sugo ni Satanas upang ako'y pahirapan. Ito nga'y upang hindi ako magmayabang. 8 Tatlong ulit akong nakiusap sa Panginoon tungkol dito na sana'y iwan na ako nito. 9 Ngunit sinabi niya sa akin, “Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo, sapagkat ang kapangyarihan ko ay lubos na nahahayag sa kahinaan.” Dahil dito, masaya kong lalong ipagmamalaki ang mga kahinaan ko upang manatili sa akin ang kapangyarihan ni Cristo. 10 Kaya, alang-alang kay Cristo, ako'y may kasiyahan sa gitna ng mga kahinaan, mga panlalait, mga paghihirap, mga pag-uusig, at mga kasawian. Sapagkat kung kailan ako mahina, noon naman ako malakas.

Ang Pagmamalasakit ni Pablo sa mga Taga-Corinto

11 Naging hangal ako! Ngunit itinulak ninyo ako na magkagayon. Dapat sana'y pinuri ninyo ako, sapagkat hindi naman ako páhuhulí sa magagaling na mga apostol na iyon, kahit na ako'y walang kabuluhan. 12 Ang mga pagkakakilanlan ng isang tunay na apostol ay buong sikap kong ipinakita sa inyo sa pamamagitan ng mga himala, mga kababalaghan at ng mga gawang makapangyarihan. 13 Paano nga kayo nalamangan ng ibang iglesya, maliban sa ako'y hindi naging pabigat sa inyo? Patawarin ninyo ako sa pagkakamaling ito! 14 Ngayon, sa ikatlong pagkakataon ay handa akong pumunta sa inyo. At hindi ako magiging pabigat sa inyo, sapagkat hindi ko hinahangad ang anumang mayroon kayo, kundi kayo mismo. Sapagkat hindi ang mga anak ang may tungkuling mag-impok para sa mga magulang, kundi ang mga magulang para sa kanilang mga anak. 15 Malaking kasiyahan sa akin ang gumastos at gastusin para sa inyo. Mababawasan ba ang pagmamahal ninyo sa akin habang lalo ko kayong minamahal? 16 Hindi ako naging pasanin sa inyo. Ngunit ako raw ay tuso at nabitag ko kayo sa daya. 17 Nilinlang ko ba kayo sa pamamagitan ng mga taong sinugo ko sa inyo? 18 Pinakiusapan ko si Tito na pumunta riyan at sinugo ko siyang kasama ng isang kapatid. Pinagsamantalahan ba kayo ni Tito? Hindi ba't pareho lamang ang aming pag-iisip? Hindi ba't pareho lamang ang aming mga hakbang?

19 Marahil, matagal na ninyong iniisip na ipinagtatanggol lang namin sa inyo ang aming mga sarili. At bilang mga na kay Cristo, nagsasalita kami sa harapan ng Diyos. Mga minamahal, ginagawa namin ang lahat ng mga ito upang kayo'y maging matatag. 20 Natatakot ako na baka madatnan ko kayo sa kalagayang hindi ko maiibigan, at ako naman ay nasa kalagayang hindi rin ninyo maiibigan. Baka madatnan ko kayong nag-aaway, nagseselosan, magkakagalit, nagkakanya-kanya, nagsisiraan, nagtsitsismisan, nagpapayabangan, at nagkakagulo. 21 Natatakot ako na sa muli kong pagdating ay ipahiya ako ng Diyos sa harapan ninyo, at kailangan kong magdalamhati dahil sa maraming dati nang nagkasala at hindi pa nagsisisi sa nagawa nilang karumihan, pakikiapid, at kahalayan.

Next
2 Corinto 11
2 Corinto 13
Next
dropdown
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences