Add parallel Print Page Options

13 Paano nga kayo nalamangan ng ibang iglesya, maliban sa ako'y hindi naging pabigat sa inyo? Patawarin ninyo ako sa pagkakamaling ito! 14 Ngayon, sa ikatlong pagkakataon ay handa akong pumunta sa inyo. At hindi ako magiging pabigat sa inyo, sapagkat hindi ko hinahangad ang anumang mayroon kayo, kundi kayo mismo. Sapagkat hindi ang mga anak ang may tungkuling mag-impok para sa mga magulang, kundi ang mga magulang para sa kanilang mga anak. 15 Malaking kasiyahan sa akin ang gumastos at gastusin para sa inyo. Mababawasan ba ang pagmamahal ninyo sa akin habang lalo ko kayong minamahal?

Read full chapter