Add parallel Print Page Options

11 Bakit ko ito ginagawa? Dahil ba sa hindi ko kayo iniibig? Alam ng Diyos na iniibig ko kayo. 12 Anuman ang ginagawa ko ay patuloy kong gagawin upang huwag magka­roon ng pagkakataon ang mga naghahangad ng pagkakataon na makapagmalaki na sila ay kapantay namin.

13 Ito ay sapagkat ang mga gayon ay hindi tunay na mga apostol. Sila ay mga mandarayang manggagawa na nag-aanyong mga apostol ni Cristo.

Read full chapter