Add parallel Print Page Options

Huwag kayong padaya kanino man sa anumang paraan, sapagkat ito'y hindi darating malibang maunang maganap ang pagtalikod, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan.

Siya(A) ay sumasalungat at nagmamataas laban sa lahat ng tinatawag na diyos o sinasamba; anupa't siya'y nauupo sa templo ng Diyos, na ipinahahayag ang kanyang sarili na Diyos.

Read full chapter

Huwag kayong padaya kaninuman sa anumang paraan. Sapagkat hindi darating ang araw na iyon hanggang hindi pa nangyayari ang paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng suwail, na nakatakda naman sa kapahamakan. Lalabanan niya ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao, at itataas niya ang sarili sa lahat ng ito. Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos.

Read full chapter

Ang(A) halimaw ay binigyan ng isang bibig na nagsasalita ng mga palalong bagay at ng mga kalapastanganan, at pinahintulutan siyang gumamit ng kapangyarihan sa loob ng apatnapu't dalawang buwan.

Ibinuka niya ang kanyang bibig upang magsalita ng mga kalapastanganan sa Diyos, upang lapastanganin ang kanyang pangalan at ang kanyang tahanan gayundin ang mga naninirahan sa langit.

Read full chapter

Binigyan (A) ng halimaw ang isang bibig na nagsasalita ng mga kapalaluan at mga kalapastanganan, at pinahintulutan nitong mamahala sa loob ng apatnapu't dalawang buwan. Sinimulan niyang lapastanganin ang Diyos, ang pangalan ng Diyos, at ang tahanan ng Diyos, at ang mga naninirahan doon.

Read full chapter